MCGI Abuluyan at Lambingan
Last updated
Last updated
Collection ng Abuloy feat DS Rino Guingab (VIDEO) - Zoom meeting paano tiyak na makakacollect ng pera sa miyembro
.
DS & Officer's Meeting Lambingan (VIDEO) - Lambingan at Tulungan para sa mga proyekto ng MCGI na inaatang sa mga kapatid.
Weekly Quota ng mga kapatid na ipapadala sa KDR Camp - Una maghahanap sila ng mga kapatid na gustong pumunta at may pang bayad. Pag wala, hahanap ng kapatid na gusto pumunta at ipapa sponsor. Pag may mayaman na kapatid na mag sponsor, goods na. Pag wala paghahati hatian ng mga myembro.
Wish Concert Quota - same as above, pero ticket concerts naman po ang usapan.
Grupo ng mga kapatid na kakain sa Salut - kada may event or anong trip nila mag oorganize sila ng mga kapatid na gustong kumain sa Salut at mag salo salo. Then pag onti ang sasama maghahanap sila ng kapatid na gustong sumama at walang pera. Then "ipaglalambing" sa may kaya na baka pwede mag sponsor. Ang bayad bukod sa pagkain, syempre service din.
Saludar or pagkain ng mga bisita pag doktrina at bible study - nag rarounds sila per group kung sino ang totoka kada araw. Then may naka set kung pang ilang pax ang kelangan pag handaan. Bahala ang grupo na yun kung sila sila ang magluluto or bibili nalang. Basta ambagan lahat ng group members. Bahala na sila kung paano gagawan ng paraan basta toka nila 'yon
Quota ng mga products - Dapat maibenta ng local ang certain number of products (Arlene Shampoo, Philnoni at kung ano pa) then ibebenta sa mga kapatid. Lahat naman ay bumubili ng shampoo at kung ano pa, mas mabuti daw na sa "sariling atin" ka bibili, naka tulong ka pa sa gawain. - pag hindi naibenta lahat, yung mga natira hahatiin uli kada group. Bali itotoka na uli sa iba't ibang grupo ang mga natira.
Pa-utang sa credit card - hihingi sila ng pabor sa ibang members na umutang sa credit card at ang usapan tulungan lahat ng myembro para mabayaran. Kaso ang nangyayare sa iba at "kinukulang" kaya walang choice ang credit card holder na i-shoulder ang responsibility na bayaran ito mag isa.
North America
Locale rent - late 2010s, ginawa ni EFS centralized ang tulungan, pati gastos ng locale. Iaakyat muna ng locale sa distrito o division ang pera, pero minsan kpag kelangan na ng locale yong pera pambayad ng renta o bills, hindi na buo yong bumabalik, kaya hihingan ule ang mga members.
Comspot - mid 2000s. Pra sa commercial spots ng UNTV. Wala nkatokang presyo, pero pwde ka ifollowup ng GS mo kung naibigay mo na. Alam ko sa ibang dibisyon may codename ka, pra "lihim" pa rin.
F418, na nging Mission Tesalonica late 2010s - tulong pra kay EFS sa Brazil. Walang toka sa individual, pero madalas may target ang isang locale o distrito, kaya hahatiin rin yon sa bilang ng aktibong member. Masakit sa budget ng pamilya kung marame kayong members.
Ito rin yong dinadala ng mga kapatid in-cash sa eroplano, madalas lagpas sa legal na allowed. Money laundering kung maituturing, para daw makatipid sa fees.
Latin America - madalas ang hingian sa NorthAm ng ipapadala sa Latin Am. Dahil bunso daw mga kapatid doon, kaya hindi hinihingian masyado. Nakakapagtaka lang, binibida nila na para doon yong mga business ni EFS pero pinapatoka sa NorthAm.
KAPI - matagal na to. Dating $100 or greater, depende sa kaya mo. Kaso may nagreklamo galing Pilipinas, bakit ang mahal daw sa Amerika , kase P1000 lang sa Pinas. Kaya naging $25 ang conversion, pero kung kaya mo pa rin yong mas malaki, gaya ng dating $100, pwde naman.
Emergency - sobrang dalas neto nong panahon ng Mission Tesalonica. Para daw sa mga broadcast o utang sa Brazil. Kung alam nilang mayaman ka, madalas $500 o pataas ang bigayan.
Construction for Projects (ex. free hospital, apalit construction) -
GS Team Building - Ito ay team building para sa GS per locale na ginaganap sa KDRAC na pinapaatang sa mga kapatid upang may maipambayad upang magamit as "entrance fee" sa KDRAC.
Fiesta ng Dios - Tokahan para sa Fiesta ng Dios for expenses including venue, food
Food-Packs - Ito ang mga inaatang o nilalambing para sa foodback na ibabagsak per locale.
Kung nababasa mo to ng may galit sa puso, at feeling na natraydor .. Kindly post your frustration sa ating subreddit group.
Credits to our sources: ExAndCloset Reddit, Exit Guide, Toxic Church Reddit